Ang ninanais ng Project Sinag Inc. ay maging organisasyon na kikilalaning isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng youth volunteerism na magiging daan sa pagpupunla ng mas marami pang lider-kabataan sa bawat bayan at lungsod sa Lalawigan ng Laguna.
Ang pangunahing adhikain ng Project Sinag Inc. ay ang maging katuwang ng pamahalaan at mga kapwa organisasyon sa pagpapaunlad ng bansa hango sa ilang mga piling sustainable development goals na ipinaglalaban ng United Nations.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, ang Project Sinag Inc. ay nais maging inspirasyon at tulay sa pag-unlad ng bansa at sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.