Ang Project Sinag Inc., isang samahang di-pangkalakalan, ay naglalayong maging kasangga ng pamahalaan at iba pang sektor sa pagpapalaganap ng youth volunteerism, sa pamamagitan ng ilan sa mga sustainable development goals na inilatag ng United Nations: pagtulong sa pag-ahon sa kahirapan, pagpapalakas ng edukasyon, maigting na pangangalaga sa kalikasan, at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, kung saan itataguyod ng samahan ang mga bagay na ito mula sa lokal na pamayanan sa bawat bayan at lungsod ng lalawigan ng Laguna hanggang sa pambansang antas sa malayong hinaharap.